OFW internet voting ikinakasa na ng COMELEC para sa 2025 polls

July 14, 2023

Sonny Fernandez

Ibinida ng walong service providers nitong Martes, July 11, ang kanilang mga technology at sistema ng internet voting para sa overseas Pinoys na ikinakasa ng Commission on Elections (Comelec).

Kasunod ito ng decision ng Comelec nung May 17, 2023 na ipatupad na ang internet voting sa 2025 national and local elections para mas dumami pa ang bobotong Pinoy sa abroad.

Nung nagdaang election, gumastos ang Comelec ng P411 million sa overseas voting pero may 600,000 o 39% lang ng mahigit 1.697  million voters ang bumoto.

Kasama sa mga kumpanyang nag-demo ang Smartmatic ng UK, Miru ng Korea, Dermalog ng Germany, Indra na nakabase sa Spain, E-Corp mula New York, Tambuli Labs mula Pilipinas,  Voatz ng Boston, Massachusets at Thalez na may headquarters sa Paris, France.

Sabi ni COMELEC Chairman George Garcia, “kailangan matapos ang procurement process ngayong taon para mai-award natin ang contract sa winning bidder sa first quarter sa isang taon.”

FILE PHOTO: Comelec Chair George Erwin Garcia. INQUIRER FILES
Read more: https://newsinfo.inquirer.net/1659723/ca-confirms-appointment-of-george-garcia-as-comelec-chair#ixzz8DtSGzovu
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Binigyang diin naman ni Commissioner Marlon Casquejo, in-charge sa overseas voting, pangunahing konsiderasyon sa pagpili ng service provider ang reliability at credibility ng technology.

“Kasama sa pinag-aaralan ang seguridad ng registration para matiyak na mismong botante ang nagpapasok ng balota.  Pangalawa ang sistema ng pagboto – simple at user-friendly,” dagdag ni Casquejo.

Importante rin ayon kay Casquejo ang canvassing at consolidation kaya tinitingnan nila ang blockchain dahil mananatili ang record ng 30 araw kaya pwedeng ma-check ng botante kung pinakialaman ang boto nya o hindi.

Nilinaw ni Casquejo na optional ang internet voting sa 2025 at tuloy pa rin ang voting by mail at in-person na pagboto sa mga embahada at konsulado.

Video courtesy of Comelec

Leave a comment