Pinay nabudol ng 40K Swiss francs o P2.5M sa online love scam, OFWs pinag-iingat;Cacdac, DMW OIC

Sonny Fernandez

Nabudol ng 40,000 Swiss francs o katumbas na P2.5 million halaga ng kanyang ipon at personal loans, ang isang Pinay OFW sa Switzerland kamakailan ng isang foreigner boyfriend na nagpanggap na mayaman. 

Sa report ng Migrant Workers Office (MWO) sa Geneva, modus ng scammer na akitin ang mga biktima hanggang ma-fall sa kanila.

Sa sandaling makuha na ang tiwala ng biktima, manghihingi ang scammer ng pera sa pangakong ibabalik ito ng mas malaki.

Magdadahilan ang scammer na hindi maipadala pabalik ang pangakong pera sa biktima dahil sa fake o  gawa-gawang “customs-related issues”, manghihingi pa siya ng dagdag na pera para ma-“facilitate” ang paglutas ng problema.

Magdadahilan ang scammer na hindi maipadala pabalik ang pangakong pera sa biktima dahil sa fake o  gawa-gawang “customs-related issues”, manghihingi pa siya ng dagdag na pera para ma-“facilitate” ang paglutas ng problema.

Ang video ay mula sa isang aktwal na mensahe mula sa isang pumopormang scammer sa isa nating kababayan,

Kaya naman nitong Miyerkoles,  September 6, nagbabala ang Department of Migrant Workers sa publiko na maging maingat sa social media engagements dahil sa pagdami ng online romance swindling modus na tinatarget ang OFWs.

Ang modus naman ng online romantic fraud na ito ay gagawa ng fake profiles sa social media platforms ang scammers at kapag may naakit at kumagat, ay mambobola na na-fall sa biktima gamit ang Skype, WhatsApp , email at iba pa.

“Kami po ay nakikiusap sa mga kababayan natin na huwag magpalinlang sa mga online romance o love scams. Huwag magpapadala sa matatamis na salita ng mga taong hindi ninyo nakita. Marami na po silang mga nabiktima mula sa iba’t-ibang bansa. Maging mapagmatyag po tayo at pahalagahan ang ating ipon na mula sa ating pawis at dugo,” babala ng MWO Geneva sa kanilang report.

Giit ng DMW, maging mapagbantay sa ganitong modus at huwag basta-basta magbibigay ng pinaghirapang pera at ipon sa mga ‘online romantic partners’.

Noong 2019, nagsagawa ng malawakang kampanya ang Switzerland laban sa online love scams.

Isang sample ng transaction na pinadadala diumano sa mga potensyal na biktima upang mapaniwala sa kanyang mabuting intensyon para sa sa kanya. gayun din ang pag papadala ng kanyang larawan upang sila ay pagkatiwalaan.

Ito’y matapos silang maalarma sa libo-libong kaso ng pambibiktima sa Swiss citizens sa modus ng online love traps.

Sa report ng Swissinfo.ch, umabot sa more or less 16,000 ang na-document nilang kaso ng online love scams noong 2018. 

https://www.swissinfo.ch/eng/politics/romcon-_swiss-warned-against-online-love-traps-/45251938#comments

Ang modus naman ng online romantic fraud na ito ay gagawa ng fake profiles sa social media platforms ang scammers at kapag may naakit at kumagat, ay mambobola na na-fall sa biktima gamit ang Skype, WhatsApp , email at iba pa.

Magkukunwaring atat makipag-meet up ang scammer sa  biktima in person.

Pero magdadahilan ang scammer na hindi matutuloy ang date dahil bigla siyang nagka-trouble, naaksidente, nanakawan, nagkasakit o na-stranded.

Maglalambing ngayo o kaya ay makikiusap ang scammer sa biktima na padalhan agad siya ng pera pampagamot, pamasahe o iba pang panggastos sa imbentong pangangailangan.

February 2022, inalarma ng cybercrime experts ng NBI ang publiko sa “love scams” na unang tinukoy ang ilang Nigerians na nasa likod ng modus operandi at di kalaunan ay ginagawa na rin ng ilang Pinoy.

Nung March 2019, nagbabala rin ang Bureau of Immigration sa pagsulpot ng online romance scam na pakana ng foreign nationals at binibiktima ang mga Pinoy.

Pinayuhan ng DMW ang mga OFW on-site na nabibibiktima ng modus operandi na ito,  na humingi ng tulong sa Migrant Workers Office at sa embahada ng Pilipinas na sumasaklaw sa kanilang jobsites o host countries.

Nanawagan din ang DMW sa OFWs na agad itimbre ang mga kahina-hinalang galawan sa online illegal recruitment scams sa DMW Migrant Workers Protection Bureau through their Facebook page at https://www.facebook.com/airbranch o email at mwpb@dmw.gov.ph o kaya tumawag sa kanilang  hotline number 8721-0619. 

Ang DOJ NBI Cybercrime hotline naman ay (+632) 523 842 at (+632) 523 6826

Matatawagan naman ang immigration office sa (02) 465-2400, o contact details ng immigration office sa airport na makikita sa kanilang website:  www.immigration.gov.ph.

Samantala, inappoint naman ni Pangulong Bongbong Marcos si Undersecretary Hans Leo Cacdac bilang DMW Officer-in-Charge na inanunsyo ng Presidential Communications Office nito ring Miyerkoles.

Leave a comment